Ã¢â?¬Å?ang buhay ay isang laro sa sitwasyon na nagpapaikot sa isang pagkatao; masalimoot, komplikado na di kayang ipaliwanag ng kahit na sinoÃ¢â?¬?
Gulong ang buhay ng tao. Umiikot. Minsan nasa baba, minsan nasa taas. Bawat yugto nito may kahulugan at may kabuluhan sa mundo. Ang buhay ay maihahambing sa panahon. Pabago-bago. Di malaman kung kailan ito aabutan ng unos o kayaÃ¢â?¬â?¢y papatayin ng tag-tuyot. Bata pa lang ako, ni minsan hindi ko naranasan maging masaya kahit saglit lang. Kahit isang minuto man lang o kahit isang segundo ng nga lang sana. Lahat ng tuwa at ngiti na nakikita sa aking mga mata ay pawang panandalian lamang. Ngiti. Pero nasa likod nito ay sakit na tinatago lamang na nanunuot sa kailalim-lamiman ng aking mga ugat. Lahat ng atensiyon na binigay sa kin, peke lahat. Lahat ng halik, yakap at ngiti pawang may bahid ng malaking pagkukunwari. Isang malaking kasinungalingan ang lahat. Ang buhay ko ay isang malaking kasinungalingan. Ang buhay ko ay huwad, isang laro lamang sa mga sitwasyon na nag-papaikot sa kin at pilit akong pinaniniwala na totoo ang lahat. Mahirap magbigay ng tiwala sa kahit kaninong tao. Dahil kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ng lubos na halos buong buhay mo ang pinagkatiwala mo na sa kanya, ay siya pa ang taong sisira sa iyo at isasadlak ka sa putikan. Maraming tao ang dumating sa buhay ko. Dalawa lamang ang naging ibig sabihin nito. May kailangan ako sa kanila at ako kinailangan nila. Pero sa sandaling nawala sila ng paisa-isa, mas nakakatuwang isipin na sila natulungan ko sa pangangailangan nila at nagamit nila ako pero ako walang pinaglaruan o nagamit ni isa man sa kanila. Mahirap bumangon ng wala kang ibabangon. Mahirap magsimula nang hindi mo alam kung saan magsisimula. Mahirap mag-ayos nang wala kang aayusin. Siguro nga lahat ng ito ay kasalanan ko rin, isang malaking pagkakamail sa buhay na hindi na kaya pang ituwid ng kahit na sino. Isang malaking bagay na pinagsisisihan ko, pero para ano pa, para ibaon ang unti-unti ang buhay ko? Mahirap pagsisihan ang mga bagay na tapos na. Oo, manghihinayang ka, pero huli na ang lahat, di mo na maibabalik ang nakalipas. Kailangan mong muli na magsikap na magbago. Pero wala na ring silbi kung magbago ka man o hindi. Pagsisisi. Isang malaking pagkakamali ang magpatangay sa agaos na paurong. Sumunod sa maling direksiyon na walang malay ng pagkaligaw. Pagkaligaw sa landas na walang patutunguhan, d malaman kung ano ang kahahantungan at wala ni isang palatandaan pabalik. Wasak. Oo, totoo, mahirap magwasak ng isang buhay kung sa tingin mo malakas ka.Maituturing mo ang sarili mo na hindi sumusuko sa kahit anumang laban. Pero hindi, rin siguro. Depende sa tao. Isang dahilan din kung minsan ng pagakasira ng sarili at pagkawasak ng pagkatao, ang tao sa paligid mo. Sila ang mga paktor na lulubog sa yo sa kumonoy ng buhay. Lahat sila puro payaso ng buhay ko, ang mga tinuturing kong kaibagan at kapalagayan ng loob. Siguro nga, mas mabuting mag-isa sa mundo. Siguro mas naging mabuti ang buhay ko kung hindi, dahil sa kanila. Siguro sana hindi ko inabot ang ganitong kasiraan kung hindi dahil sa kanila. Siguro, hindi ako ngayon sabog o walang direksiyon ang buhay kung hindi dahil sa kanila. Siguro nga, nagkamali ako sa pagpili sa kanila o sila sa pagpili sa kin. Hindi rin siguro. Yun lang talaga siguro ang kapalaran ko. Mahirap maging tao at magpakatao. Lahat ng ginagawa mo may pupuna sa yo. Lahat ng sasabihin mo, may babara sa yo. May gawin ka lang na isang mali, takpan na ang sanlibong mabuting gawa mo. Ano ba ang dapat gawin? Yun din ang tanong ko na labinsiyam na taon na wala pa ring sagot. Mahirap maghanap ng sagot sa lahat ng mga katanungan ng buhay. Siguro dumating na ako sa punto na tumigil na ako sa pagtatanong ng bakit sa mundo. Dahil wala rin akong nakukuhang sagot. Bakit pa ako magtatanong. Magahanap. Wag magbulagbulagan. Mag-isip. Imulat na ang mga mata. Hanapin ang sagot mismo sa kaloob-looban ng sarili. Dahil tanging ako lang wala nang iba ang makasagot ng mga tanong na ito. Ang buhay nga naman. Masalimoot at hindi maintindihan. Pero bakit pa kaya tayo nabubuhay na nahihirapan? Sabagay ang buhay ay hindi nga naman pinangako na magiging madali. Lahat kailangan idaan sa hirap at pagdurusa. Pero di namn kailangan magdusa, di ba? Pero bakit ganito? Ayan na naman ang mga walang kamatayang tanong ng buhay na hindi rin na man nahahanapan ng kasagutan. Marami pang tanong sa buhay na naghahanap ng kasagutan, sa paghahanap nito kailangan ng maraming sakripisyo at pagpaparaya. Ngayon nagsisimula na ako sa bagong yugto ng buhay ko. Sarado na ang unang bahagi ng libro ko. Simula na ng ikalawang yugto ng pag-inog ng buhay ko. Wais din naman ang Panginoon. Hindi siya nagpapabaya sa sinumang gustong manumbalik sa kanya at sa mga taong gustong ituwid na ang buhay kagaya ko. Sa panahon na nawalan na ako ng pag-asa may mga taong sumalo sa kin. May nag-ahon sa akin sa kinasasadlakan kong putikan. Nagyon natuto na akong maging patas. Kung sino ang mga taong tumuturing sa akin na kaibigan, kaibigan ko sila. Kung may ngingiti sa akin, ngingiti-an ko rin. Patas. Ito ang malaking hamon ko sa sarili ko na ngayon ko lang nalagay sa reyalisasyon. Natututo na akong pahalagahan ang mga bagay na dumarating sa buhay ko. Hindi lamang materyal kundi pati ang mga bagong tao na gusto akong makasama at gusto akong tulungan na bumangon uli. Mahirap ang pagbangon na mag-isa ka lang. Oo inaamin ko, mahirap talaga. Wala kang mahuhugutan ng lakas at inspirasyon kung sarili mo lang ang aasahan mo. Ang punto na tinitingnan ko ngayon, na ayoko ko nang magpagamit uli, magpakasira uli at magpapaloko sa kahit na sino pa man. Hindi na ako makakagalaw sa espasyo na puno ng kaplastikan. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang kaawaan ako, dahil hindi ako naaawa sa sarili ko. Nakakatawa nga lang kung minsan isipin na iniisip ng tao na nag-iisa na lang ako sa mundo ko ngayon. Ngunit isang pagkakamali nila ang ituring ako na isang talunan. Oo inaamin ko na marami ang nagawang mali, kasalanan at katangahan sa mundo, pero hindi sapat ang lahat ng iyon para tawagin akong talunan. Hindi ako talunan. Talunan? Wala sa bokabularyo ko ang salitang talo o talunan. Ang paggiging talunan ay nasa sarili lamang. Kung hindi ka nainiwala dito hindi ka magiging isa. Hindi ako nag-iisa, marami pang nakapaligid sa akin na gusto akong maabot at maging kaibigan nila. Hindi lamang ang mga luma kong kaibigan ang tao sa daigdig na ito, marami pang iba. Oo, siguro maituturing ko na luma na sila, kasi nagdaan na sila sa buhay ko. At kung sila ay may balak pang balikan ang mga araw na iyon, sila na lang. Ayoko na. Tapos na ako sa kanila. Hindi na ako nanghihinayang ngayon. Bato. Bato na ang puso ko. Siguro nga. Pero sino ba ang nagturo sa akin ng ganun, di ba sila rin. Sila rin ang nag-udyok sa kin na maging bato at walang pakiramdam. Sila ang dahilan kong bakit ayoko na makiramdam ngayon at maki-alam sa mga buhay nila. Masyadong komplikado ang buhay na mas nagiging komplikado pa dahil sa kin. Tama na. Pagod na rin ako. Tama na ang pangingialam sa buhay ng may buhay. Kontento na ako sa mundong ginagalawan ko ngayon, na wala na akong hinahanap ni sino man sa kanila. Siguro marami pang tao sa paligid ko na hindi ko lang napapansin. Naghihintay lamang na lapitan ko o sila ang lumipat sa akin na walang pagdadalawang-isip. Mabuti na rin siguro na ganito ang nangyari sa akin. Ito na siguro ang malaking leksiyon ko sa buhay para mamulat ako sa katotohanan na ang buhay ay gamitan lamang. Gamitan. Oo, gamitan lang. Dalawang uri ang gamitan sa mundo. Gamitan para sa ikabubuti ng tao at gamitan sa ikakasira nito. Ang ikalawang gamitan ang napasukan ko. Nagamit ako hanggang sa nasira. Dahil na rin siguro sa katangahan ko na hindi ko napansin dahil na rin sa sobrang kabaitan ko. Hindi naman ako mabait. Masyado lang siguro akong mapagbigay sa lahat ng tao. Hindi ko kayang tumanggi. Pero ngayon natuto na akong tumanggi. Hindi pala lahat ng bagy ay maaring pagbigyan. Dapat marunong kang pumili kung sino ang taong pagbibigyan mo at kung sino ang hindi. Madamot? Siguro ng masasabi ko ngayon na madamot na ako. Natuto na akong magdamot dahil hindi lahat ng oras meron ako.